1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang
magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."
2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang
makitang hawak ng iba.."
3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo
lang."
4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may
hawak ka na."
5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo
pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh
meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang
mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo
sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka
lang."
8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa
tanga kundi pagkukusa."
9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo.
Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya
quits lang."
10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung
pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal
mo talaga yung una."
11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa
telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may
gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga
taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o
paasa."
12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima ,
sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong
hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o
nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao
higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga
crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo
pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung
hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng
dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong
libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong
tinalikuran mo."
16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa
magtagumpay sa paggawa ng wala”
17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at
hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay
kasinungalingan”
18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan
ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para
mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka
sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo
na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang
na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng
loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung
matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o
bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi
IKAW mismo!"
19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo
kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na
sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng
kasiyahan mo."
20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong
malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili
mo."
21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot
mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident
or talagang tanga ka.."
